17 air assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naka pre-position na ngayon sa Villamor Airbase at sa Cebu para sumaklolo sa Bicol Region.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas na kahit handa na ang mga air assests, hindi pa rin ito makalipad agad-agad.
Inaantay pa raw kasi na bumuti ang panahon para matiyak ring ligtas ang mga rescuer.
Maliban sa mga air assets, papunta na ngayon sa Bicol Region ang reinforcement team mula sa Southern Luzon Command, at may dala ring mga equipment na magagamit sa rescuing.
Aminado naman ang OCD na pahirapan ang pag rescue dahil mataas pa rin ang tubig baha sa Bicol Region lalo na sa Camarines Sur.