FBI, iniimbestigahan na ang pagkawala ng American Vlogger

Nagsasagawa na imbestigasyon ang US Federal Bureau of Investigation sa umano’y pagdukot kay American vlogger Elliot Eastman sa Sibuco, Zamboanga Del Norte.

Ayon sa Police Regional Office 9, binisita at kinausap na ng FBI ang asawa ni Eastman.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sinabi ng FBI sa pulisya, na walang natatanggap na anumang paghingi ransom ang pamilya ni Eastman sa Amerika.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng US embassy na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad at sa pamilya ng biktima.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa kasalukuyan, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na may person of interest na sila sa pagkawala ng naturang vlogger.