Drug war probe ng Senado – ‘di gagamitin para ‘gumanti’

Kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero ang Senate Blue Ribbon Committee na ang nakatakdang manguna sa pagsasagawa ng drug war probe.

Pero anya, dahil re-electionist ang chair nito na si Senadora Pia Cayetano ay possibleng ma-assign ito sa subcommittee chair na si Senador Koko Pimentel.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Escudero, nakausap na niya ang dalawa na makipag-usap lang kina Senador Christopher ‘Bong’ Go at Senador Ronald Bato Dela Rosa para sa mga resource speakers na iimbitahan.

Samantala, ibinahagi ng senador na naipaliwanag at naintindihan na nila Bato at Dela Rosa ang dahilan ng hindi nila paghawak sa nasabing pagdinig.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag pa siya, positibo siyang hindi magagamit sa paghihiganti ang pagdinig na ito dahil kung titignan umano ay karapatan ng dalawang senador na sangkot dito na ibigay ang kanilang panig.