Humingi ng tulong ang Presidential Anti-Organized Crime Commission sa Philippine Amusement and Gaming Corporation para mapauwi na sa kani-kanilang bansa ang mga dayuhang nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators sa Pilipinas.
Ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio, mayroon pa ring 38 POGO na legal na nag-ooperate sa bansa sa gitna ng POGO ban.
Mababatid na hanggang Oktubre 15 lang ang ibinigay na palugid para i-downgrade ang kanilang 9G visa sa tourist visa habang December naman ang ibinigay na deadline ng pamahalaan sa mga foreign para umalis sa Pilipinas.