Panukalang batas na tutugon sa national security concern ng Pilipinas, nakatakdang ihain sa Senado

Nakatakda nang ihain sa Senado ni Senate Committee on Energy, Vice Chairperson, Senador Win Gatchalian ang panukalang batas na maghihiwalay sa tungkulin ng National Grid Corporation of the Philippines bilang system operator at network transmission provider.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kung saan ang System Operator ay tumutukoy sa pamamahala ng buong electrical grid, habang ang Network Transmission Provider ay responsable sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga physical assets tulad ng transmission lines.

Ayon sa senador, bagamat batid niya ang importansya ng mga pribadong sektor para sa pagkakaroon ng kapital ay mainam na ang gobyerno ang maging system operator.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Anya, sa pamamagitan nito ay matitiyak ang pambansang seguridad dahil mas agad na malalaban ang anumang cyber threats.