Umapela si Pangulong Bongbong Marcos sa pagbabalangkas ng isang matibay na international legal framework na magsisilbing gabay para sa disaster response measures.
Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction – idiniin ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ‘disaster-resilient’ na rehyon.
Ayon kay Marcos, dapat ay sikapin ng lahat ang pagkakaroon ng mas ligtas, adaptive, at inclusive na mga bansa para sa lahat.
Handa rin umano ang Pilipinas na mangunguna sa inisyatibong bumuo ng isang legal instrument para sa proteksyon ng mga tao sa panahon ng sakuna.