Cong. Wilbert Lee – nire-respeto ang inihaing ethics complaint laban sa kaniya

Nanindigan si Cong. Wilbert Lee na hindi naman niya intensyong manakit o mam-bully.

Kasunod ito ng ginawa niyang pang-aagaw ng mikropono sa Kamara na nag-resulta ng paghahain ng isang ethics complaint laban sa kaniya.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa isang pahayag, sinabi ni Lee na nire-respeto naman niya ang reklamong isinampa nina Cong. Stella Quimbo at Natasha Co.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Aniya, karapatan ito ng dalawa niyang kapwa-mambabatas.

Sa ngayon, hinihintay na lang daw niya ang opisyal ng kopya nito para makasagot siya.