Dalawang Cameroonian, arestado ng CIDG sa Makati dahil sa pagkakasangkot sa financial fraud

Arestado sa OPLAN “OLEA” ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Anti-Organized Crime Unit dalawang Cameroonian na sangkot umano sa financial fraud.

Kinilala ng CIDG ang mga suspek na sina Abass Njintana alias Mossico White at Ndoukouo Mama.

Na-aresto ang mga dayuhan sa entrapment operation sa Makati City sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito’y dahil sa kasong Estafa, Forging of Treasury Notes, at Using a Fictitious Name and Concealing True Identity , pati na rin ang paglabag sa Presidential Decree No. 247.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawa ang mga IDs, cellphonse, pera at iba pang kagamitang posibleng ginagamit sa panloloko ng mga ito.

Nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.