Mga natuklasan sa Quad Comm hearings, patunay na tama ang pasya ng pangulo na ipasara ang mga POGO

Tama lang ang naging desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na ipasara ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na iniuugnay sa mga sindikato ng ilegal na droga at mga kaso ng extrajudicial killings.

Ayon kay House Deputy Speaker Jayjay Suarez, nakita sa Quad Committee hearings sa Kamara na hindi lamang ito tungkol sa sugal at hindi simpleng problema kundi isang organisadong krimen na dapat sugpuin.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Lumalabas aniya na mayroong malawak na sindikatong pinamumunuan umano ng dating presidential adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang katuwang ang negosyanteng si Allan Lim.

Iginiit din ni Suarez na natuklasan sa pagdinig na hindi lamang POGO Ang problema dahil ang mga ebidensyang ipinrisinta ay nagpapakitang ginagamit ng drug syndicates ang mga plataporma bilang “front” ng illegal trade.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nakababahala umano na dumami ang kaso ng EJK na konektado sa ilegal na industriya ng POGO.

Naniniwala naman ang kongresista na bukod sa pagpapasara sa mga POGO ay dapat ding buwagin ang kabuuang network ng mga sindikato at panagutin ang mga pulitikong sumuporta at nagsilbing padrino sa illegal gaming.