Mag-asawang online seller, patay matapos pagbabarilin sa kanilang sasakyan sa Mexico, Pampanga

Pinagbabaril ang mag-asawang nagtatrabaho bilang online seller sa loob ng kanilang sasakyan sa Mexico, Pampanga.

Sinundan ng riding-in-tandem ang pick-up na sinasakyan ng dalawang biktima, kasama ang kanilang anak at isa pang kamag-anak na parehong menor de edad.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Kinilala ang mga nasawing negosyante na sina Arvin at Lerma Lulu, na nagbebenta ng beauty products sa kanilang social media.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, anim na beses binaril si Arvin at tatlong beses naman si Lerma.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Bagama’t inaalam pa ng awtoridad ang motibo, sinabi ni Mexico Police Station chief Police Lieutenant Colonel Joy Gollayan na may person of interest na sila, gayundin ang isang saksi.