Sen. Nancy Binay, tatakbong Makati Mayor

Naghain na ngayong araw ng kanyang certificate of candidacy si Senator Nancy Binay sa pagka-alkalde ng Makati City.

Tatakbo si Senator Binay sa ilalim ng Una Political Party kung saan running mate niya ang aktor na si Monsour Del Rosario na tatakbo sa pagkabise-alkalde.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Bukod sa kanyang partido, kasama ring maghain ng senadora ang kanyang kapatid na si Junjun Binay.

Mag-aalas diyes kanina nang dumating si Binay sa Valenzuela Community Complex sa Makati City na mainit na sinalubong ng kanyang mga taga-suporta.

Sa ambush interview sa Senadora, sinabi nito na kung papalarin siya, ipagpapatuloy niya kung ano ang nasimulan ng kanyang Ama na si dating Vice President Jejomar Binay at ng kanyang kapatid na si Mayor Abby Binay.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa huli sinabi nito na nasa taumbayan pa rin kung sino ang kanilang iboboto para sa susunod na alkalde ng Makati.