Muling nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) na hindi na nila papayagan ang substitution ng mga kandidato pagkatapos ng October 8.
Ayon kay COMELEC spokesperson Rex Laudiangco, papayagan lamang ang withdrawal at karampatang substitution basta gagawin ito sa pagitan ng October 1 hanggang October 8, pagkatapos ng nasabing petsa, pwedeng mag withdraw pero hindi na pahihintulutan ang substitution.
Ang tanging papayagan na lang ng COMELEC sa substitution pagkatapos ng October 8 ay kapag namatay, na-incapacitate o na-disqualify ang orihinal na tatakbong kandidato.
Maaaring pumalit sa kanila ang kapartido nila pero dapat kapareho ng kanilang apelyido.
Dagdag ni Laudiangco, ito ang nakikitang panlaban ng COMELEC sa mga indibidwal na umaabuso at naglalagay ng “placeholder”, at para maisapinal na rin anya ng ahensya ang listahan ng mga kandidato nang mas maaga at matupad ang kanilang plano na makapag imprenta ng balota sa Disyembre.
Nabatid na simula na ngayong araw ang filling ng certificate of candidacy para sa mga nais tumakbo sa 2025 midterm election.