Ilang lugar, posibleng isailalim sa signal number 1 dahil sa bagyong Julian

Nananatiling halos stationary, ‘o di gumagalaw ang bagyong Julian.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 525 kilometro, silangan ng Itbayat, Batanes.

Read More:  Suspected rocket debris recovered along Palawan coast

Taglay nito ang lakas ng hangin na papalo ng 55 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng hanggang 70 kilometro kada oras.

Sa ngayon, hindi isinasantabi ng weather bureua na isailalim sa tropical cyclone wind signal number 1 ang Cagayan Valley ngayong araw.

Read More:  INC rally pushes through with permit as up to 100,000 expected in Quezon City

Inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na oras, at maaaring maging isang tropical storm mamayang gabi, o bukas ng umaga.