Missiles ng US sa bansa – ‘fake news’ ayon sa AFP

Tinawag na ‘fake news’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na ulat sa social media na sikreto umanong nag-iimbak ng missile systems ang Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon sa AFP, walang katotohanan at ebidensiya na naghatid ang C-17 Globemasters isang US military transport aircraft ng US ng mga missiles sa bansa.

Read More:  Marcos calls West Philippine Sea defense a modern form of heroism

Pinasinungalingan din ng AFP ang mga kumakalat na litrato na hindi dapat basta paniwalaan ng publiko.

Bukod dito, itinanggi rin nila ang ulat na nasangkot ang isang US Navy destroyer sa isang insidente sa Escoda Shoal at wala ring F-35s na nakabase sa Pag-asa Island.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Nanawagan ang AFP sa publiko na i-report ang mga kinauukulan ang mga anonymous sources na nagpapakalat ng maling impormasyon.