Guro namatay matapos umanong insultuhin ng principal

Namatay ang isang guro na si Marjorie Boldo dahil sa matinding stress matapos siyang paulit-ulit na insultuhin ng kanilang principal.

Ayon sa mga kamag-anak ni Teacher Marjorie sa Pantukan, Davao de Oro, may isang estudyante si Ma’am Marjorie na naaksidente sa loob ng silid-aralan dahil sa kalikutan at nabagok ang ulo sa bangko na naging sanhi ng pagdurugo kahit na pinagsabihan na ito.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Dahil dito, diretsong isinumbong ng magulang ng bata ang guro sa principal kaya’t pinagsabihan at ininsulto siya. Tumigas daw ang guro habang pinagsasabihan ng lalaking principal.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Sa group chat ng grade 2, inilabas ni Teacher Marjorie ang kanyang sama ng loob dahil nasaktan siya sa natanggap na mga insulto at nakwestyon ang kanyang 31 taon na serbisyo.

Dinibdib ng husto ng guro ang pangaral na naging sanhi ng kanyang pagdadala sa ospital hanggang sa tuluyang mawalan ng buhay.