BAYAN: Impeach VP Sara!

Nagtipun-tipon ang iba’t ibang grupo sa labas ng Kamara ngayong araw upang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment.

Sinabayan ng mga grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN ang naka-schedule na plenary debates para sa proposed budget ng Office of the Vice President sa 2025.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bahagi ng kilos-protesta ang pagpapabasura sa confidential funds at umano’y pork barrel ni Duterte.

Iginigiit din nila na hindi maituturing na kaibigan sina Duterte at Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Nais naman ng mga grupo na dagdagan ang budget sa mga ospital.

Una nang sinabi ng Makabayan Bloc na hindi sila maghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte sa ngayon.