‘High-level’ meeting kasama ang DPWH, ipatatawag para sa New Senate Building construction

Target ni Senator Alan Peter Cayetano na magsagawa ng “high-level” meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mapabilis ang konstruksyon ng New Senate Building (NSB).

Ito ay sa gitna ng budget briefing ng Senate Committee on Finance para sa proposed 2025 budget ng DPWH.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Kasabay nito, hinimok ni Cayetano si Secretary Manuel Bonoan at ang ilang opisyal na magkaroon ng high-level-meeting upang malinawan sa timeline at halaga ng magagastos sa proyekto.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Nagbabala rin ito na anumang delay ay magiging sisi sa kanila ni Senate President (SP) Francis Escudero.

Sa huli, mariing sinabi ni Cayetano na kailangang matapos ang proyekto.