BI – humingi rin ng paumanhin sa selfies kasama si Guo

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga kumalat na larawan kasama ang kanilang mga personnel at ni dismissed Bamban mayor Alice Guo, ay hindi raw pala dapat nailabas sa publiko.

Sa isang panayam, sinabi ni BI Fugitive Search Unit chief Rendel Ryan Sy na ang larawan ni Guo sa loob ng isang sasakyan, kasama ang BI at NBI personnel ay ‘for sitrep’ purposes lamang.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Nagulat daw siya nang nag-leak ito, at nag-viral pa sa social media.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Dahil dito, humihingi raw siya ng paumanhin sa publiko.

Maaalalang pinuna ng publiko ang naturang larawan, na lumabas, bago pa ang mga selfie ni Guo kasama sina Sec. Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Marbil.