Tumanggi ang Department of Justice (DOJ) na magbigay ng timeline kung kailan nila matatapos ang imbestigasyon sa naging pagtakas ni dismissed Bamban mayor Alice Guo sa bansa.
Ang naturang pagsisiyasat ay layong tukuyin kung mayroon bang sangkot na mga opisyal ng gobyerno sa pagsibat ng dating alkalde sa Pilipinas.
Sa Saturday News Forum – sinabi ni Justice spokesperson Asec. Mico Clavano na bagamat wala naman silang time table para rito, inaasahan namang matatapos nila ang imbestigasyon bago mag-Nobyembre.
Maliban aniya sa mga government officials, tinitingnan din nila ang mga pribadong indibidwal na sangkot dito.
Sa huli, tiniyak ni Clavano na may mananagot at makakasuhan.