Wala na raw balak pang magsalita si Cassandra Li Ong sa harap ng mga pagdinig sa Kongreso.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio na ayaw na ni Ong na mapahiya pa at masailalim sa tila’y public shaming.
‘Hindi na raw kaya’ ni Ong na humarap pa sa mga legislatve probes, Senado man, ‘o Kamara.
Sabi ni Topacio, mas pipiliin pa ng kaniyang kliyente na makulong, kaysa naman daw mapahiya sa harap ng milyun-milyong mga tao.
Dahil dito, makikiusap daw sila sa Senado na i-excuse muli si Ong sa pagdinig nila sa Lunes.
Kung maaalala, nito lamang Miyerkules nang i-excuse din si Ong sa Kamara dahil sa kaniyang health condition.