PBBM, ipinag-utos sa mga ahensiya ng gobyerno na maghanda sa posibleng pagbaha sa mga lugar na malapit sa mga dam

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong sa mga ahensya ng gobyerno na maghanda para sa posibleng pagbaha sa mga lugar na malapit sa mga dam

Bagamat nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Enteng, binigyang-diin ng Pangulo na maaaring makaranas pa rin ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Dr. Marcelino Villafuerte, nagsimulang magbukas ng isa sa mga washout gates ng Ipo Dam sa Bulacan , alas-8 ng umaga kanina

Apektado ang mga bayan ng Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Sinabi rin ni Villafuerte , na naka-flood precaution ang Magat Dam kahit bumaba ang water level sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi niya na posible pa ring magkaroon ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa watershed sa susunod na 24 oras.