DOJ, iimbestigahan ang BI dahil sa suspetyang may kinalaman ito sa pagtakas ni Alice Guo

Iniimbestigahan na ng Department of Justice ang kanilang hinalang may kinalaman ang Bureau of Immigration sa pagtakas ni Alice Guo at ng mga kapatid nitong sina Shiela at Wesley.

Sa pulong balitaan sa tanggapan ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla, na hindi niya na ipinaalam kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang isinasagawang imbestigasyon dahil hindi na sila nag-uusap.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Hindi din kase nito nagustuhan ang pagtatago ni Tansingco ng impormasyon sa kagawaran hinggil sa pag-alis ni Guo sa bansa.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ayon kay Remulla, hindi tama ang inasal nito na hindi ipaalam sa kanila ang nangyari.

Pakiramdam niya pa’y matagal nang alam ni Tansingco ang pagtakas bago pa ito nakarating sa DOJ.