Airdrop mission sa BRP Teresa Magbanua, matagumpay na naisagawa ng AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na matagumpay ang ginawang airdrop mission sa BRP Teresa Magbanua na nagbabantay sa Escoda o Sabina Shoal malapit sa Palawan.

Mababatid na sinabi ng Philippine Coast Guard na kritikal na ang supply ng pagkain sa barko.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Ayon kay AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr., helicopter ang ginagamit nila sa paghahatid ng supplies.

Giit ng Chinese Coast Guard, paglabag umano ito sa soberanya ng China dahil teritoryo nila ang Sabina Shoal.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Sinabi pa ng China na dapat ng umalis ang barko sa lugar at huwag ng palalain pa ng Pilipinas ang sitwasyon.

Nauna ng nandigan ang gobyerno ng Pilipinas na nasa exclusive economic zone ng bansa ang Escoda Shoal.