Bisa ng mga permit para sa mga POGO workers hanggang sa Disyembre 31 na lang – PAGCOR

Inanunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na hanggang sa Disyembre 31 na lang ang bisa ng employments permits na inisyu para sa mga empleyadong dayuhan at Pilipino sa mga POGO.

Ito ay matapos paburan ng PAGCOR ang mga pagbabago sa bisa ng works permits ng POGO.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Para sa mga Pilipinong may offshore gaming employment license ang original validity ay 3 taon mula ng iisyu subalit ito ay magiging valid na lamang hanggang sa katapusan ng taon.

Habang para sa mga dayuhan naman, in-adjust na rin hanggang sa Disyembre 31 na lamang ang validity hanggang sa kung kailan na lamang ang bisa ng kanilang work visa o work permit.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanggang katapusan ngayong taon na lang pwede mag-operate ang lahat ng POGO sa bansa matapos na tuluyan na itong ipagbawal dahil sa pagkakasangkot ng ilang POGO sa mga ilegal na operasyon.