Pag-aangkat ng puting sibuyas, aprubado na ng DA

Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat  ng yellow onions o puting sibuyas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., tinatayang nasa 16,000 metriko tonelada ang dami ng aangkating sibuyas ng bansa.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Binigyang diin naman ng kalihim na magiging stable parin ang presyo ng puting sibuyas sa merkado sa kabila ng isasagawang pag-aangkat nito.

Kaugnay nito, hindi rin umano makakaapekto sa nakatakdang susunod na harvest season sa Marso hanggang Abril sa 2025 ang pagdating ng mga imported na sibuyas hanggang katapusan ng Disyembre.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Samantala, siniguro naman ng kalihim na nananatiling sapat ang suplay  ng pulang sibuyas ngayon sa bansa.