QC LGU, ipinanawagan ang kooperasyon ng mga business owner sa lungsod para sa ‘mpox’ contact tracing

Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga business owners sa lungsod na makiisa at makipagtulungan sa kanila para sa nagpapatuloy na ‘Mpox’ contact tracing.

Kasunod ito ng pagkandado ng lokal na pamahalaan sa isang club dahil sa pagtangging makipag-cooperate sa contact tracing ng mpox.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Sa isang pahayag, ipinunto ng alkalde na ginagawa lang ng pamahalaang lungsod ang responsibilidad para matiyak na protektado at ligtas ang lahat residente laban sa mpox.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Giit pa ng alkalde, maituturing na banta sa kalusugan at kapakanan ng mga residente ang ganitong pagtanggi sa isinasagawag contact tracing efforts.