DILG, nanindigang hindi ‘overkill’ ang operasyon vs Quiboloy

Muling iginiit ng Department of the Interior and Local Government na tumutupad lamang ang mga pulis sa kanilang tungkulin.

Kasunod ito ng nauna nang paratang sa umano’y paggamit ng PNP ng “excessive force” sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr., mas mainam na sumuko na lamang si Quiboloy para mailahad niya ang kanyang panig at maipagtanggol ang sarili sa hukuman , at ganoon din naman maiwasan ang kaguluhan sa pagsisilbi ng warrant.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Si Quiboloy may warrant of arrest para sa mga kasong qualified human trafficking, sexual abuse of minors, at maltreatment.

Idinagdag din niya na hindi niya kilala si Quiboloy ng personal at iginagalang niya ang relihiyon at pagkatao nito, pero kailangang ipatupad ang batas.