Ilang House leaders, nangangambang bumalik sa manual vote counting ang bansa sa 2025

Nagbabala si House Deputy Majority Leader Janette Garin na posibleng bumalik sa mano-manong bilangan ng boto sa halalan ang bansa.

Ito’y kapag nagpatuloy umano ang pag-atake sa 18 billion pesos na kontratang pinasok ng Commission on Elections sa Korean firm na Miru Systems para sa automated polls.

Punto ni Garin, bakit hahayaang bumalik sa lumang panahon ang Pilipinas gayong sa kasalukuyan ay sinusunod na ang global community pagdating sa eleksyon.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kinuwestyon din ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang timing ng pagsilip sa umano’y iregularidad ng paggawad sa kontrata lalo’t nalalapit na ang 2025 midterm elections.

May isyu man aniya o wala sa procurement ay kailangang matuloy ang eleksyon alinsunod sa batas kaya maaaring magpasya na gawing manual ang pagbibilang ng boto.

Idinagdag pa ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na korte lang ang makakapagpasya sa propriety at legality ukol sa Miru at hindi mapipigil ng mga alegasyon ang mandato ng COMELEC sa automated law.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Mababatid na naghain ng anti-graft and corrupt practice complaint si dating Congressman Egay Erice laban kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa Ombudsman kaugnay sa kontrata sa Miru.

Ibinunyag din ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na nakatanggap ng pera ang umano’y apatnapu’t siyam na offshore bank accounts mula sa South Korean banks.