Pagkahuli kina Sheila, Cassandra – isa umanong senyales na malapit-lapit na ring mapanagot si ‘Alice Guo’ a.k.a. ‘Guo Hua Ping’

Kumpiyansa si Senador Win Gatchalian na usapin na lamang ng oras bago mapanagot si Guo Hua Ping a.k.a. Alice Leal Guo sa ilalim ng batas.

Kasunod ito sa naging paghuli ng awtoridad ng Indonesia sa kapatid nitong si Sheila Guo at maging sa incorporator ng Lucky South 99 na si Cassandra Li Ong.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Anya, matibay ang paniniwala niya na hindi makakatakas si Guo mula sa patung-patong nitong kasalanan, kung saan kabilang na rito ang pagiging peke niyang Pilipino.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa kabilang banda, umaasa naman si Senate President Chiz Escudero na mas magiging aktibo ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-aksyon dito matapos ang naging kahihiyang natamo nila.