Mag-biyenan sa Palawan, nakunan ng mga ilegal na yosi – arestado

Arestado ang mag-biyenan nang makunan ng mga smuggled cigarettes sa Highway ng Brgy. Mambalot,  Brooke’s Point Palawan madaling araw ng Huwebes, ika-15 ng Agosto.

Ang mga suspek ay pinangalanan ng PNP na si ‘King’ 28-anyos at ang kanyang biyenan na 74-anyos.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Ayon sa PNP, inireport sa kanila ang tungkol sa mga kontrabando kaya agad nilang nasakote ang dalawa.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Nakuha rito ang mga ipinagbabawal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P150,000.

Samantala, nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 (Graphic Health Warnings Law).