Walang kapangyarihan ang Commission on Elections na magpatupad ng karagdagang requirement para sa mga kandidato.
Ito ang binigyang-diin ni Comelec chief George Garcia sa gitna ng mungkahi ni Davao City Rep. Paolo Duterte na ipatupad ang pagkakaroon ng drug testing sa mga kakandidato sa national at local elections.
Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Garcia na magandang ang proposal na ito, pero may mga bagay na kailangang pag-aralan kaugnay ito.
Nais niya muna umanong malaman ang implikasyon ng naturang hakbang sa desisyon ng Supreme Court kung saan ang requirement ng COMELEC na magsumite ang isang kandidato ng certificate na magsasabing hindi ito gumagamit ng droga ay idineklarang unconstitutional.
Tiniyak ng ahensya na pag-aaralan muna nilang mabuti ang mungkahing ito ng mambabatas.