83 bricks ng marijuana, nasamsam sa ikinasang buy bust operation sa Tabuk City

Timbog ang isang lalaki kagabi sa ikinasang operasyon kontra illegal na droga sa Bulo, Tabuk City.

Kinilala ang dinakip na si Roy Wangi y Koday, residente ng Ileb Nambaran Tabuk City.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 2 , PDEA Kalinga at iba pang unit ng PNP.

Nakuha sa pag-iingat ng naaresto ang 83 marijuana bricks na nakalagay sa isang sako at tatlong karton, 193,000 na buy bust money at tricycle.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Dinala ang naaresto sa himpilan ng pulisya matapos isagawa ang pagdodokumento sa mga nakuhang ebidensiya at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kaniya