Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag nang magtungo pa sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang mga pasyenteng tinamaan o posibleng may leptospirosis.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo, sinabi nitong over the weekend, napag-alaman nilang puno ang NKTI ng mga pasyente dahil sa naturang sakit.
Dahil dito, binigyang-diin ni Domingo na magandang tumawag muna sa kanila para maipaalam sa pasyente kung saan maaaring pumuntang ospital.
Samantala, nilinaw ni Domingo na hindi naman ‘unusual’ ang spike na ito sa bilang ng tinatamaan ng naturang sakit.
Binabantayan umano talaga nila ang mga water borne diseases gaya ng leptospirosis at dengue ngayong tag-ulan.
Batid aniya ng ahensya na mangyayari ang bahagyang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng ganitong klaseng sakit dahil na rin sa panahon.