Pili, Camarines Sur nagpositibo sa ASF

CAMARINES SUR- Bawal na munang ilabas sa Pili , Camarines Sur ang mga buhay man o karneng baboy matapos na magpositibo sa African Swine Fever ang ilang mga alaga ayon sa Department of Agriculture (DA) Bicol.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Love Guarin, tagapagsalita ng ahensya sa rehiyon, positibo ang blood samples na mula sa Barangay Anayan, sumunod ang sa mula sa Sagrada. Nadepopulate na ang mga baboy ng dalawang hog raisers. Tapos na disinfection sa mga karatig Barangay at umaasa sina Guarin na hindi na madaragdagan ang magkakasakit na baboy.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Paalala nito sa LGU Pili paigtingin ang biosecurity, pinaoobserbahan din ang mga alaga at kung may magkasakit ipatest kaagad.