Aabot sa 305.1 billion pesos ang hinihinging budget ng pamahalaan para sa flood control program sa susunod na taon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ibibigay ang pondo sa mga ahensya ng gobyerno na magpapatupad nito.
Batay anya sa National Expenditure Program, 302 billion dito ay mapupunta sa Department of Public Works and Highways o DPWH.
Habang ang Metro Manila Development Authority o MMDA ay paglalaanan din ng mahigit dalawang bilyong pisong pondo.
May sampung milyong piso din daw para sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPRU.
Una nang sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na nasa higit limang libo pang mga flood control projects ang nakalinya sa taong 2025.