COMELEC Chairperson Garcia – muling tiniyak na bukas siyang maimbestigahan matapos ang alegasyon ng umano’y offshore accounts

Muling idiniin ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na bukas siya sa imbestigasyon sa gitna ng mga ibinabatong alegasyon sa kanya ni Cong. Rodante Marcoleta kaugnay ang mga offshore accounts.

Ayon kay Garcia, wine-welcome niya ang anumang imbestigasyon hinggil dito.

Read More:  Zambales marks 10th anniversary of WPS arbitral victory

Gaya aniya ng nabanggit niya sa unang press conference, nag-isyu na siya ng sworn affidavit of Denial, at mga sworn waivers sa lahat ng mga accounts at properties.

Na-authorize na rin umano niya ang NBI at AMLC para imbestigahan ang ‘truthfulness’ ng alegasyon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Aniya, ang mga nasabing dokumento ay naisumite niya na.

Sa huli, sinabi ni Garcia na umaasa siyang ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya ay ‘made under oath’ para pantay lang sila.