Dagdag-sahod ng mga government employee ngayong taon, may retroactive mula January

Good news para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ipatutupad ngayong taon ang dagdag sahod ng mga government employee.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, sisimulan nila ngayong taon ang umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Inaantay na lang daw ng DBM ang ilalabas na executive order ng Palasyo para dito.

Tiniyak rin ng Kalihim na matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang retroactive pay mula buwan ng Enero.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nabatid na merong 36 billion pesos na alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng personnel services expenditures sa ilalim ng fiscal year 2024 General Appropriations act o GAA.

Habang naglaan naman ng 70 billion ang pamahalaan para sa adjustment ng 1st at 2nd tranche ng salary increase sa susunod na taon.