DOTr – nagbabala sa Senado sa magiging epekto ng suspension ng PUV Modernization Program

Nagbabala sa Senado si Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa mga “unintended consequences” sakaling suspendihin ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Isa ito sa mga nilalaman ng liham ng ahensya kay Senate President Francis “Chiz” Escudero noong July 29, anim na araw matapos ihain ng Senado ang resolusyong target ang temporary suspension ng PUVMP.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sinabi ni Bautista kay Escudero na sa kabila ng mga isolated issues sa programa, ang DOTr, kasama ang ilang mga ahensya ay tinutugunan ang mga problema sa pamamagitan ng ongoing review at mga konsultasyon.

Nananatili rin umano silang committed sa pagpapaplantsa ng PUVMP upang matugunan ang pangangailangan ng mga stakeholders.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa huli, nanawagan ito sa Senado na ikonsidera ang ongoing benefits at improvements na dala ng programa.

Naniniwala ang DOTr na posibleng maantala ng suspensyon ang ‘positive momentum’ ng PUMVP, at makapagdudulot pa ito ng mga “unintended consequences.”