Dalawa pang kongresista, umanib na sa Lakas-CMD

Umabot na sa isandaan at dalawa ang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats sa Kamara.

Ito’y matapos manumpa bilang bagong mga miyembro sina Manila Third District Representative Joel Chua at Isabela Second District Representative Ed Christopher Go.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ayon kay Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez, kabahagi sina Chua at Go ng mga prinsipyo at adhikain ng partido para sa kapakanan ng mamamayan.

Ang patuloy na pagdami ng mga kasapi ng Lakas-CMD ay nangangahulugan aniya ng mas malawak na suporta sa Kamara para sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Bukod sa mga kongresista, marami na ring lokal na opisyal ang nagiging kasapi ng Lakas-CMD.

Pinakabago rito ang alkalde at bise-alkalde at isang konsehal ng Mexico, Pampanga na nanumpa rin kay Speaker Romualdez.