‘In truth and in reality, a lot of Filipino still die’
‘yan ang mariing saad ni Senador Ronald Bato Dela Rosa sa naging pagdinig hinggil sa sobrang pera sa PhilHealth at pagkolekta ng Department of Finance (DOF) dito.
Kasunod nito, nilinaw na ni DOF Sec. Ralph Recto na fake news ang umiikot na balitang illegal ang ginawa nilang hakbangin sa pagkolekta sa natutulog na pera ng PhilHealth dahil naaayon umano uto sa RA 11975 o General Appropriations Act 2024.
Dagdag pa niya, hindi naman naging automatic ang pagpapatupad dito dahil idinaan nila ito sa masusing pagrepaso.
Samantala, ayon kay Dela Rosa, kung ganito ang sitwasyon ay tila maituturing na pagbubulag-bulagan ito dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ring nakakaranas ng problema sa healthcare.
Iginiit naman din niyang importanteng mapag-aralan nang mabuti ang hinggil dito para sa maayos na implementasyon ng Universal Health Care Act sa bansa.