Senadora Pia Cayetano – umaasang susuportahan ng mga senador ang mahigit 15 taong ng laban para sa anti-tobacco campaign

Masayang ibinalita sa Senado ni Senate Blue Ribbon Committee, Chairperson, Senadora Pia Cayetano na kinatigan na ng Korte Suprema ang Food and Drug Administration (FDA).

Ito ay matapos ang mahigit labinglimang taon na pagkampanya ng anti-tobacco campaign sa bansa.

Lumalabas kase sa desisyon ng Korte na tinanggihan nito ang inihaing motion for reconsideration ng Philippine Tobacco Institute (PTI) kung kaya’t may kapangyarihan na ang FDA upang maging regulatory body nito.

Read More:  De Lima urges Senate to fulfill constitutional duty on VP Sara impeachment

Ayon kay Cayetano, kung tutuusin, makikita sa internet na ang mga kabataan ang target ng mga tobacco products tulad ng vape na siyang naglalabas ng vapor na may kapareho pa rin namang masamang epekto sa katawan.

Read More:  Drilon: Senate has no legal basis for protective custody

Kasunod nito, umaasa ang senadora na susuportahan ng mga senador ang isusumite niyang committee report hinggil dito na naglalayong magrekomenda ng batas ipang maiwasan ang anumang sakit.

Dagdag pa niya, kung tunay na itinataguyod ng bansa ang kalusugan ay hindi ito dapat magsilbing tirahan ng mga tobacco industries.