SP Chiz – pinaiimbestigahan na ang pagkamatay ng isang Navy cadet sa New Senate Bulding

Ipinag-utos na ni Senate President Chiz Escudero ang imbestigasyon sa pagkahulog ng isang lalaki mula sa New Senate Building na dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa security team ng bagong establisyimento, patagong nagpunta umano ang lalaki sa construction site bandang ala-9 ng gabi kahapon.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Sinubukan pa itong i-locate ng mga security guards pero bigo ang mga ito.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Dahil dito, ipare-review rin ng senador ang security protocols sa site.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang Senado sa pamilya at kaibigan ng nasawi.