Poe: Bilyun-bilyong pondo sa flood control – parang ‘inanod na rin’

Tiniyak ni Senadora Grace Poe na dadaan sa butas ng karayom ang flood control budget ng DPWH, MMDA, at iba pang ahensya.

Ito ay kasabay ng nalalapit na budget deliberation sa naturang mga government agencies.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Ayon kay Poe, tila hindi nagko-complement sa lumalalang baha sa Metro Manila ang tumataas na budget na inilalaan para sa flood control projects kada-taon.

Tanong nito ngayon – ‘inanod na rin ba ng baha ang bilyon-bilyong pondo para sa flood mitigation?’

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Sa huli, hinimok nito ang mga ahensya at lokal na pamahalaan na tiyakin na ang pagtatayo ng mga infrastructure projects ay hindi magdudulot ng pagbara sa mga waterways.