DEPED Bicol, naitala ang mahigit 1 milyong mga estudyanteng enrolled na ngayong darating na pasukan sa rehiyon

BNFM Bicol—NAABOT na ng Department of Education (DEPED) Bicol ang nasa isang milyong mga estudyanteng nakapag-enrolled na sa iba’t ibang mga paaralan sa rehiyon para sa darating na pasukan sa araw ng Lunes, July 29.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Batay sa Learners Information System (LIS) Enrollment Quick Count ng Department of Education, makikita na ang lalawigan ng Camarines Sur  ay mayroon nang 218, 848, pumangalawa ang Albay na may 159, 532, Camarines Norte na may 138, 981, Sorsogon na may 115, 470, Masbate na mayroon nang 108, 963 at ang Catanduanes naman ay mayroong 60, 070.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang Brigada Eskwela 2024, bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan. ### KENNETH BERMIL