Palasyo, tiniyak ang cash aid sa ECQ areas

Tiniyak ng Malacañang sa mga apektadong residente na nasa ilalim ng enhanced community quarantine, na makakatanggap sila ng cash aid para punan ang mawawalang income dahil sa limitadong economic activity.

Hindi naman idenetalye ni Presidential spokesperson Harry Roque, kung magkano ang naturang cash assistance.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Pero ayon kay Roque, nakausap niya si Budget Secretary Wendel Avisado at sinabing kapag nagdedeklara ng ECQ ay nagbibigay naman talaga ng ayuda.

Ang anunsyo ay matapos ang tatlong araw nang isailalim ng gobyerno ang Iloilo province at mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iloilo, at Gingoog sa ilalim ng ECQ para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng mas nakakahawang Delta variant.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Matatandaan na una nang nagbigay ang pamahalaan ng cash aid na nagkakahalaga ng P4,000 hanggang P8,000 para sa bawat low income family, batay sa regional wage rates sa gitna ng pagpapatupad ng ECQ. // MHEL PACIA-TRINIDAD