Kinumpirma ng House of Representatives Secretary General na imbitado si Vice President Leni Robredo na personal na dumalo sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa July 26.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, hinihintay nalang ng kanilang opisina ang kumpirmasyon ni Robredo, kung tatanggapin nito ang imbitasyon.
Matatandaan na noong 2020, hindi inimbitahan si Robredo ng Malacanang na maging physically present sa House para sa ikalimang SONA ni Duterte, pero inabangan nito ang ulat sa bayan ni Duterte sa online.
Samantala, sinabi ni Mendoza na kabilang sa mga tinanggap ang imbitasyon na maging physically present sa huling SONA ng pangulo ay si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Maliban dito, pinadalhan rin ng imbitasyon sina dating Speakers Pantaleon Alvarez at Alan Peter Cayetano. // MHEL PACIA-TRINIDAD
