Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 4.7 million individuals ang fully vaccinated laban sa COVID-19 as of July 18.
Sa bagong COVID-19 vaccination bulletin, sinabi ng DOH na 15,096,261 doses na ang naiturok sa buong 1,297 active vaccination sites.
Kaugnay nito, nakapagbakuna na ang bansa ng average na 271,426 doses araw-araw sa nakalipas na linggo, mas mababa sa target ng gobyerno na 500,000 jabs per day.
Sa gitna nito, 10,388,188 individuals na ang nakakuha ng kanilang first dose —kung saan 1,884,059 dito ay mga health workers, 2,760,074 ay mga senior citizens, 3,440,132 ay mga persons with comorbidities, 1,943,672 ay mga essential workers, at 360,251 ay mga indigents.
Samantala, sa, 4,708,073 indibidwal na fully inoculated — 1,312,167 ay mga health workers, 1,197,270 ang senior citizens, 1,578,807 ay persons with comorbidities, 449,252 ay essential workers, at 170,577 ay indigents. // MHEL PACIA-TRINIDAD
