Dalawang atleta sa Tokyo Olympic Village, nagpositibo sa COVID-19

Dalawang atleta na sa Tokyo Olympic Village sa Japan ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ito ng Olympic organizers, limang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng Summer Games.

Dahil dito, tatlong indibidwal na sa athletes’ village ang nagpositibo sa virus, kabilang ang ang unang naitala noong Sabado na hindi isang atleta.

Kaugnay nito, wala namang ibinigay na detalye ang organizers ukol sa pangalan at nasyonalidad ng mga nagpositibo sa sakit.

Sa kabuuan nasa 55 kumpirmadong kaso na konektado sa Olympics ang naitala kabilang ang mga opisyal at contractors.

Una nang nakitaan ng second wave ng COVID-19 ang bansang Japan kung saan pinakamataas na kaso ay naitala noong Abril at Mayo na nasa halos 6,000 kaso kada araw.

Pero bumaba ito noong Hunyo pero muling sumipa noong mga nakaraang linggo.

Samantala, hanggang noong Biyernes, nasa 15,000 Olympic individuals na ang nakapasok sa Japan.