OCTA Research, nangangambang may local transmission na ng COVID-19

Nangangamba ang OCTA Research Group na mayroon nang local transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang confirmed 11 local cases ng nasabing variant.

Ayon kay Professor Guido David, malamang ay may local transmission na ng nasabig utation na mas nakakahawa dahil mayroon nang local cases na walang travel history.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Inabisuhan naman ni David ang publiko na wag nang maghintay pa ng announcement ng DOH bago magsagawa ng dagdag na pag-iingat.

Aniya, dapat i-assume na mayroon nang Delta variant sa bahagi ng Pilipinas kaya kailangang mas maging maingat ang lahat.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Binigyang diin din ng eksperto na makakatulong ang pagpapatupad ng bubbles lalo na sa National Capital Region (NCR) Plus na binubuo ng Metro Manila, Cavite, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, at Bulacan para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa iba pang lugar.