Dwight Ramos, tinanggap ang pagiging point guard para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

Nakasalalay kay Dwight Ramos ang pagpapatakbo ng koponan ng Pilipinas sa pagsabak ng Gilas sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament, matapos itong italaga bilang point guard.

Kusang-loob na tinanggap ni Ramos ang hamon sa kaniya ng coaching staff na pinangungunahan ni Gilas Pilipinas head coach, Tim Cone.

Aniya, lahat sila ay handa at pursigido kahit na pansamantalang nagpapahinga ang point guard na si Scottie Thompson dahil sa kanyang injury.

Maalalang si Dwight Ramos ay naging point guard na noon sa Ateneo de Manila University, kaya hindi na bago sa kaniya ang position na ito. (Brigada News Intern – Jaztine Cruz)